222

Nov 29, 2017 @ 17:34
By

Ejay Falcon at Paolo Ballesteros mukhang magdyowa

NGAYONG araw na ito ang birthday ni Paolo Ballesteros at the same time, first day showing ng kanyang bagong pelikula, ang Barbi D’ Wonder Beki. So, alam na kung anong birthday gift ang wish ni Paolo, lalo na sa dabarkads na matanggap niya ngayong araw, ang mag-box-office hits ang bago niyang movie.

Napanood namin ang premiere night nito noong Lunes at kung pagbabasehan namin ang reaksyon ng mga nanonood at personally rin mismo ay napatawa kami, walang-duda na isa ito sa mga papasukin ng mga manonood sa mga sinehan.

Simple lang ang kuwento pero hindi ka mabibitin sa humor at may mga nakaka-move na eksena lalo na sa kuwentong pamilya at love. Yes, in fairness to Paolo and Ejay Falcon ha! May chemistry, huh!

Hindi rin mabibitin sa kilig ang mga fans nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali sa movie. At kaya naman pala nasabi ni Ruby Rodriguez na ngayon lang siya pumayag na gawin ang ginawa niya sa pelikula dahil na rin sa pagmamahal niya sa ka-dabarkads na si Paolo nga. Hindi na namin isusulat kung ano ang ginawa niya para hindi ma-preempt.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?