107

Aug 17, 2018 @ 11:38
By

Ejay Falcon, natutuwa na nakatrabaho sina Vhong at Winwyn

Aminado si Ejay Falcon na masaya siya sa pagkakataong naibigay sa kanya na makatrabaho sina Vhong Navarro at Winwyn Marquez.

Ang tatlo ang pangunahing bituin sa pelikulang Unli-Life, na isa sa walong entry sa ongoing na Pista ng Pelikulang Pilipino.

Nagkuwento si Ejay ukol sa kanilang pelikula, “Iyong movie, kuwento ng isang tao na parang na-broken hearted and then pumunta sa isang bar na uminom ng magic whiskey. Then, parang every era namamatay siya at ako ‘yung magliligtas ng pagkamatay niya.

“So, parang one love triangle na comedy ito with Vhong and Winwyn Marquez.”

First time ba niyang nakasama sina Vhong at Winwyn?

“Oo first time, yung story-con po namin, nag-thank you agad siya sa akin. Pero ako yung sabi ko, super thankful din ako kasi fan ako ng mga ginagawa niya dati, eh. From Mr. Suave, ganyan. So, yun, nakasama ko na rin si Vhong dito.

“Magkaibigan naman kami, sa basketball po, lagi,” saad ng actor.

Pahayag pa ni Ejay, “Yes, first time rin si na nakasama ko Winwyn. Okay naman. Ang sarap ng feeling na nakatrabaho mo yung mga taga-ibang network. Kasi di ba taga GMA siya?

“Nakakatuwa, kasi nabibigyan ng maraming chance yung maraming artista… kapag maraming pelikula, maraming trabaho, maraming artista… So, maipapakita namin yung mga talento namin.”

Nag-comedy ka ba rito?

“Oo. Pero sabi ko nga bali. From action, tapos nagka drama sa film… may bali. Kumabaga, ito na yung pinakapahinga ko, itong movie na ito. Kasi sa TV naman, medyo serious, drama iyong ginagawa ko,” esplika pa niya.

Nanibago o nangapa ka ba sa comedy?

Saad ng Kapamilya actor, “Nakakapanibago, pero dahil magaling si Vhong, kapag yung rehearsal pa lang namin, ginagawa na niya, so natatawa ka na. So, roon pa lang ay nadadala na yung mood mo, na ang saya.”

Ang Unli Life ay mula sa pamamahala ni Miko Livelo, tampok din dito sina Joey Marquez, Donna Cariaga, Jon Lucas, Isabelle de Leon, Alex Calleja, Kamille Filoteo, Red Ollero with James Caraan, Anthony Andres, at Jun Urbano. May special participation dito sina Dimples Romana, Joem Bascon, Jun Subayton, Epi Quizon, at Jhong Hilario.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?