267

Aug 2, 2019 @ 15:56

Ejay Falcon nagdadasal na hindi isara ang ABS-CBN

Inamin ni Ejay Falcon na nangangamba siya tungkol sa franchise renewal ng ABS-CBN.

Sa isang interview sa aktor, hindi lang umano siya ang nagdadasal para ma-renew ang prangkisa ng Kapamilya network kundi marami sila gaya ng mga anak ng mga taga-production.

Kahit hindi aniya artista at simpleng mga tao na nagtratrabaho sa ABS-CBN ay apektado umano ng pagsasara ng network kaya panalangin niya na hindi mangyari.

Sa ngayon ay hindi naman aniya pumapasok sa isipan ng aktor na lumipat ng ibang network dahil magaganda naman ang mga project na binibigay sa kanya.

Kabilang na ang lead role niya sa upcoming teleserye na “Sandugo”.

Makakasama ni Ejay sa serye sina Jessy Mendiola at Elisse Joson. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?