58

Sep 26, 2021 @ 14:40
By

Ejay Falcon liliparin pagkabise gobernador

Kinumpirma ng aktor na si Ejay Falcon na kakandidato siya bilang bise gobernador ng Oriental Mindoro sa 2022.

Sa exclusive interview ng ABS-CBN News, sinabi ni Falcon na magiging running mate siya ng incumbent governor na si Humerlito ‘Bonz’ Dolor.

“Ako po ay tinawag ng kabutihan. At ang kabutihan na yun ay ang maglingkod sa ating bayan at hindi mo matatanggihan na yun,” pahayag ni Falcon.

“Ako po ay papasok sa larangan ng pulitika at pagiging public servant,” dugtong pa ng 31-anyos na dating PBB winner.

“Sana ay suportahan niyo rin ako sa ganitong klase ng larangan. Sinuportahan nila ako bilang isang aktor at PBB winner. Sana po ay suportahan din nila ako,” ayon pa kay Falcon. (MJD)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?