13

Jan 11, 2022 @ 16:33
By

EJ Obiena sasalang sa knee surgery

Sasalang ngayong araw sa operasyon si pole vaulter EJ Obiena upang ayusin ang meniscus tear sa kanyang kaliwang tuhod.

“It’s a minor injury. Small meniscal tear. He will undergo an arthroscopic surgery today at 10 a.m. (5 p.m. in Manila) at the Southwest German Center for Sports Traumatology in Uhingen, Baden Wurttemberg, Germany,” pahayag ng tagapagsalita ni Obiena na si Bobbert Bruce, ayon sa ulat ng GMA News.

Dagdag pa ni Bruce, hindi matukoy ni Obiena kung paano at saan niya natamo ang injury.

“Dr. Dimitr-Alexander Jontschew, a recognized specialist in orthopedic surgery and medical director of the facility that is accredited by the International Society of Arthroscopy, Knee Surgery and Orthopedic Sports Medicine, will perform the surgery,” wika pa ni Bruce.

Kaya naman umanong sumalang ni Obiena sa kompetisyon sa kabila ng injury ngunit inihirit ng kanyang kampo na ituloy ang surgery upang maiwasan ang paglala nito.

Aalalay naman ang Philippine Sports Commission (PSC) para sa gastusin sa operasyon ni Obiena.

“Obiena needs help for his medical procedure. We just approved yesterday of an amount to take care of his surgery. His incentive is being finalized by the NSA affairs,” pahayag ni PSC chairman William Ramirez.

Hindi naman magtatagal bago makasabak agad si Obiena sa kompetisyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?