37

Aug 4, 2021 @ 15:33
By

EJ Obiena agaw-pansin! ‘Kasama’ si Spongebob, Patrick Star sa finals

Kinagaliwan ng mga Pinoy fan ang sinuot na medyas ni Olympian EJ Obiena para sa men’s pole vault finals sa Tokyo Olympics kahapon.

Nakaburda kasi sa kanyang mga medyas ang mukha nina Spongebob at Patrick Star.

“You made the Philippines, UST and Bikini Bottom proud,” pabirong hirit ng The Varsitarian, opisyal na pahayagan ng University of Santo Tomas kung saaan nagtapos ang 25 anyos na atleta.

Ayon sa ulat ng GMA News, una nang nagsuot ng Spongebob na medyas si Obiena sa laban nito noong Pebrero sa Indoor pole vault season.

Nito lamang Martes nang huminto ang Tokyo Olympics journey ni Obiena matapos pumalya sa 5.80-meter mark.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?