679

Jan 7, 2019 @ 18:20
By ,

EJ Laure magpapahinga muna

Hindi babalik ngayong Season 81 ng UAAP women’s volleyball ang ace player ng UST Tigresses na si EJ Laure.

“Hindi muna ako makakabalik this season 81,” wika ni Laure sa balitang inilibas ng volleyverse.com.

Huling naglaro para sa UST si Laure noong Season 79 kung saan muling nakatungtong sa Final Four ang tropa matapos ang apat na taong pagkawala.

Matapos nito ay hindi nasilayan ang Season 77 Rookie of the Year nang hindi ito maglaro noong nakaraang taon dahil sa tinamo nitong injury sa balikat.

Ngayon, hindi injury ang dahilan ng pag-alis ni Laure sa tropa kundi respeto aniya sa kanyang teammates na nagsasanay ng buong taon na magkakasama.

“Matagal na din kasi sila nagte-training na magkakasama. Buong off-season pinaghahandaan nila ‘yung UAAP. Kondisyon sila lahat tapos ako hahabol lang? Parang unfair din ‘yun sa kanila,” dagdag ni Laure.

“Puno din kasi talaga ang line-up ngayon lalo sa pwesto na pwede ako. Andiyan si Sisi (Rondina) at Milena (Alessandrini) sa outside hitter position (at) si Eya (Laure) naman sa opposite.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?