229

By

EJ Falcon at Lauren Young, bibida sa Korean drama

May tsikang lalabas sa Korean drama ang Kapamilya actor na si Ejay Falcon at Kapuso actress na si Lauren Young.

Nasa South Korea ngayon ang dalawa na umalis nu’ng Biyernes.

Napili raw ang actor at actress para mag-guest sa Korean drama ‘Where Stars Land’.

Nang nasa SK si EJ, may pinost siyang picture na nasa Incheon International Airport siya. Ang nilagay niyang caption: “Opportunity Unlocked! #grateful #falconatincheon.”

Sa social media account ni Lauren sinabi niyang nasa Incheon, South Korea para mag-taping ng isang Korean program. Wala siyang confirmation kung ano ang title ng programa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?