625

Sep 28, 2021 @ 13:11
By

E’heads may reunion ‘pag tumakbo si Leni – Ely Buendia

Nagbigay ng pag-asa si dating Eraserheads frontman Ely Buendia sa posibilidad na mabuo ang iconic OPM band.

Sinagot ni Ely ang tanong sa Twitter ng isa niyang follower na nagtanong kung may pag-asa bang magkaroon ng reunion ang Eraserheads.

Ayon kay Ely, mangyayari lamang ito: “Pag tumakbo si Leni [Robredo]”

Gayunman, nilinaw ng singer na ang sagot niya sa tanong ng netizen ay personal niyang opinyon at hindi ng buong banda, lalo na ang pananaw niya sa politika.

“DISCLAIMER: MY POLITICAL OPINIONS ARE MY OWN AND I DO NOT REPRESENT THE VIEWS OF THE ERASERHEADS’ MEMBERS,” pahayag ni Ely sa hiwalay niyang tweet.

Ang Eraserheads na nagpasikat sa mga kantang ‘With a Smile’, ‘Ang Huling El Bimbo,’ at ‘Magasin’ ay nag-disband noong 2002.

Samantala, patungkol sa political view ni Ely, wala pang inaanunsyo si Bise Presidente Leni Robredo sa kanyang plano sa 2022 elections. (MJD)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?