46

Apr 17, 2021 @ 15:22
By

Egyptian bombmaker, 2 Sayyaf todas sa bakbakan

Napatay sa engkuwentro sa Sulu kagabi, Abril 16 ang isang Egyptian bombmaker at dalawang miyembro ng Abu Sayyaf Group.

Sa ulat, kinilala ni Western Mindanao Command chief Lt. Gen. Corleto Vinluan Jr., ang Egyptian na isang Yusop, na sinasabing anak ng babaeng nagkasa ng suicide bombing sa isang military detachment sa bayan ng Indanan noong Setyembre 2019.

Ang dalawa pang napatay ay sina Abu Khattab Jundullah at isang Akram.

Ani Vinluan, nakasagupa ng 4th Light Reaction Company ang mga terorista sa Ipasan village sa Patikul pasado alas-10 ng gabi.

Matapos ang sagupaan ay dinala ng mga sundalo ang mga napatay na bandido sa Kuta Heneral Teodulfo Bautista sa Jolo para sa proper disposition.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?