88

Jan 16, 2021 @ 14:31

Efren Bata Reyes ‘pinatay’ sa socmed

Nakiusap ang anak ni Efren ‘Bata’ Reyes na huwag magpapakalat ng fake news tungkol sa kanyang ama.

Ito’y matapos kumalat ang isang headline na sinasabing ‘namayapa’ na raw ang alamat pagdating sa bilyar.

“Sa mga nagsshare at nakakabasa ng mga lumalabas na balitang patay na si tatay, huwag po kayo maniwala, FAKE NEWS lang po yan,” ayon kay Chelo, anak ni Efren, sa kanyang post sa Facebook.

“DIYOS NA BAHALA SA INYONG NAGPAPAKALAT NG GANYANG BALITA,” gigil pa nitong pahayag.

Para mapatunayang peke ang naturang balita, nag-post ng video si Chelo kung saan nanonood si Efren Bata Reyes ng NBA game sa pagitan ng Milwaukee Bucks at Dallas Mavericks.

“Okay lang ako!” pasigaw pang sambit ni Reyes sa naturang video.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?