33

May 31, 2022 @ 19:10
By

‘Edward’ nakabili ng bahay dahil sa Mobile Legends

Sa edad na 17 ay inaani na ni Edward Jay ‘Edward’ Dapadap ang bunga ng kanyang paglalaro ng Mobile Legends.

Ito’y matapos siyang makapag-pundar ng bahay sa Bataan.

“Katas ng ML at the age of 17,” wika ni Edward sa kanyang social media post. “Almost there.”

“Thank you po, Lord, sa lahat ng blessings na patuloy Niyong ibinibigay. Isa sa pangarap kong makapagpatayo ng dream house ko para sa family. Sulit ang lahat ng pagod at sakripisyo,” aniya.

Bilang parte ng koponang Blacklist International, tinulungan ni Edward ang koponan na manalo ng back-to-back Mobile Legends Professional League (MPL) Philippines championship, M3 World Championships title at runner-up finish sa Mobile Legends Southeast Asia Cup 2021.

Ang mga nakuhang premyo ni Edward mula sa mga nasabing torneo ang pinambili niya ng sariling tahanan.

“Maraming salamat din sa inyong lahat, lalo na sa family ko sa patuloy na pagtitiwala at walang sawang suporta. Wala ang lahat ng ito kung wala kayo,” dagdag pa niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?