237

Dec 17, 2017 @ 9:32
By

Edukasyon, investment ng Duterte administration

Ipinagmalaki ni Senate Committee on Finance, Senador Loren Legarda, na sector ng edukasyon pa rin ang pinaglaanan ng malaking pondo sa ilalim ng 2018 General Appropriations Bill (GAB).

Ayon kay Legarda, itinaas nila sa P553.313 bilyon ang pondo para sa Department of Education (DepEd) sa susunod na taon mula sa P543.186 bilyon ngayong taon.

Naglaan naman ng P62.115 bilyon para sa state universities and colleges (SUCs) habang P49.426 bilyon sa Commission on Higher Education (CHED).

“Education is the best investment for our nation and our people. It is incumbent upon us to prioritize education in our budget in order to cultivate leaders and nation-builders of tomorrow,” saad ni Legarda.

Karadagang P10 milyon din para sa capital outlay ng bawat SUC ang inilaan habang P327 Million ang nakalaan para sa wireless local area networking (Wi-Fi) sa mga SUC at mga pampublikong lugar.

Naglaan din ng P250 milyong pondo sa ilalim ng CHED para sa free tuition sa medical students sa mga SUC.

Sinabi ni Legarda, na dapat lamang na bigyan ng importansya ang sistema ng edukasyon dahil ang human resource ang pinakamalaking investment ng pamahalaan. (Dang Samson-Garcia)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?