75

Nov 9, 2017 @ 14:52
By

Education credentials ng PH, dapat ilako sa APEC, ASEAN

Hinimok ni Una ang Edukasyon Partylist Rep. Salvador Belaro Jr. si Pang. Rodrigo Duterte at ang Department of Foreign Affairs (DFA) na isama ang edukasyon sa mga prayoridad sa foreign policy ng Pilipinas.

Sabi ni Belaro, dapat isulong sa agenda ng APEC at ASEAN gayundin sa bilateral talks ang international recognition ng education credentials ng Pilipinas.

Gayundin ang pagpapatuloy ng edukasyon ng Overseas Filipino Workers (OFWs) at pag-engganyo ng foreign investments para sa sektor ng edukasyon.

Binanggit rin ng kongresista ang pangangailangan para sa education attaches sa ilang embahada at konsulado ng Pilipinas.

Iginiit nito na ang education attaches ang dapat mag-asikaso para nakakapag-aral pa rin ang mga OFW habang nasa ibang bansa.

Gayundin para kilalanin sa abroad ang pinag-aralan sa Pilipinas at pagkilala rin naman ng Pilipinas sa pinag-aralan sa ibang bansa.

“I have filed a bill on this matter. House Bill 4027 is pending at committee level but its essence can already be effected via Executive Order so that the DFA can deploy education attaches in several countries where OFWs need their services,” ayon kay Belaro. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?