400

Nov 21, 2021 @ 19:49
By

Edu umaming sila na ni Cherry Pie

Kinumpirma ng aktor na si Edu Manzano na sila na ni Cherry Pie Picache.

Unang umugong ang espekulasyon na may namamagitan sa dalawa matapos mag-upload si Cherry Pie ng ilang larawan sa US kung saan mapapansin na tila dikit sila sa isa’t-isa.

“You’re the funniest! Yes, my dear,” tugon ni Edu Manzano sa exclusibong panayam ng One Balita Pilipinas noong Biyernes, nang tanungin kung sila na ba ng aktres.

Dalawang beses pa umanong tinanong ng host na si Cheryl Cosim kay Edu kung totoo bang may relasyon na sila ni Cherry Pie at um-oo ito sa naturang mga katanungan.

Sina Edu at Cherry Pie ay magkasama sa seryeng “Marry Me, Marry You,” kung saan ang papel nila ay magulang ng bida na si Paulo Avelino.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?