35

By

Edu, Sotto, Gilas Youth kampante sa World Cup

Babaunin ng Gilas Pilipinas Youth ang mataas na kumpiyansa sa pagtungo sa Greece para sumabak sa 2019 Fiba Under-19 World Cup sa Doha, Qatar tapos walisin ang Al Rayyan sa dalawang laro bilang paghahanda sa kompetisyon.

Kinumpleto ng national youth team ang pagsasanay saka iniwan ang punong lungsod ng Qatar Huwebes kung saan kumpinsiya si coach Alexander Arespacochaga sa tsansa ng koponan.

Sasagupain ng Pilipinas sa Group C sa unang laro ang hosts Greece sa Linggo, Hunyo 23, sa ala-1:30 ng umaga, sunod ang Argentina sa Lunes ng ala-1 ng umaga at ang Russia sa Miyerkoles sa 1:30 din n. u., oras dito sa ‘Pinas.

Nagtulong sina AJ Edu at Dalph Panopio para sa Gilas Youth sa dominanteng 93-64 panalo kontra Al Rayyan sa wakas ng tuneup Miyerkoles ng umaga bago magtungo sa Heraklion para sa World Cup.

Nagtala si Fil-British Edu ng 18 puntos, 9 rebounds, at 1 block habang si Rome-based Panopio ay may 14 markers, 5 boards, 4 feeds, at 3 steals, sa pagpapakita ng chemistry ng koponan.

Unang pinamunuan ni Kai Sotto ang bansa sa 79-54 panalo kontra Al Rayyan nitong Lunes.

Pumoste si 7-foot-2 Sotto ng 19 puntos kabilang ang dalawang rebounds, dalawang assists, dalawang blocks at isang steal sa 26 minuto.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?