508

Dec 6, 2021 @ 18:48
By

Edu pinakilala na si Cherry Pie sa pamilya

Meet the family na ang level ng relasyon nina Edu Manzano at Cherry Pie Picache.

Ipinakilala na nga ni Edu ang girlfriend na si Cherry Pie sa kanyang pamilya at mga kaanak sa Amerika sa Thanksgiving.

Sa Instagram, nag-post ang aktor ng mga larawan ng kanilang family reunion kasama ang aktres.

Sabi ni Edu, ito ang best day ng kanyang 2021.

“Bros and Sis, in-laws, children, cousins, apos & Pie. Mi familia. The best day of my 2021. Never realized how much I missed them until we celebrated Thanksgiving together. I love my family!” masayang caption ni Edu.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?