426

By

Edu papatayin na sa ‘Ang Probinsyano’?

Hanggang kailan daw mapapanood si Edu Manzano sa Ang Probinsyano? Matsutsugi na kaya siya?

Eh, ‘di ba? Presidente siya sa teleserye na ito ni Coco Martin? So, paano tsutsugiin si Edu? O ang role niya? Eh, sobrang importante nga ang role niya, dahil siya nga ang isa sa pinakamatinding kalaban ni Coco Martin.

Eh, need na rin kasi na mawala si Edu sa Ang Probinsyano, dahil tatakbo nga siyang ‘congressman’ sa San Juan, ‘di ba?

Eh, ruling naman ‘yon, na kung tatakbo ka, dapat ilang buwan bago ang halalan, wala kang exposure sa mga teleserye. Ang ia-allow lang sa mga kandidato ay mga interbyu sa mga News & Public Affairs’ program.

So, paano nga? May nagbiro nga tuloy, ayaw na ni Edu na maging presidente, dahil mas type niyang maging kongresista talaga.

Anyway, may mga nagbibiro pa rink ay Edu tulad ni aaroncolebuddy, na nagsabing;

“Mr. President magbago kana kawawa na si Nanay flora.’

May mga pumupuri rin sa mga pino-post niya sa Instagram na kung saan ay nakikipag-usap siya sa mga tao.

lujaincandia “I salute u Sir Edu M, kc marunong kau mkisama sa kapwa! magka iba man ang relihiyon ay patas kang mki2ngo knino man.mga ganyang pananaw maykalalagyan dapat sa public servance,maraming muslim ang gusto ka kc marunong ka daw mkisama pinapakinggan mu ang hinaing nla bago ka umaksyon,ika nga walang ndi nadadaan sa mabuting usapan.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?