138

Mar 2, 2020 @ 15:57
By

Edu kinampihan ni Jim Paredes vs epal na mga politiko

Kinuwestiyon ng beteranong aktor na si Edu Manzano ang mga dating politiko na nagpapatawag pa rin sa kanilang titulo kahit wala na sila sa posisyon.

Kuwento ni Edu sa kanyang Twitter post noong Feb. 29, galing daw siya sa isang dinner.

Pinagtataka niya kung bakit kailangang tawagin pang “mayor” ang dating alkalde pati na ang dating kongresista ng congressman.

Wala naman daw masama kung tawagin ang mga ito sa kanilang pangalan at hindi dapat masaktan dahil dito.

Sinumbatan din nito ang mga dating politiko na nakalimot na raw ba ang mga ito na pinasahod niya ito ang mga ito dahil sa pagbabayad ng buwis.

“Just came from a dinner … Why should I call an ex-Mayor .. Mayor? Why should I call an ex-Cong .. Congressman? What is wrong with people calling each other by their first names?

Then you find out out they were hurt! Have you forgotten I pay taxes and your salaries?” sabi ng aktor.

May nagtanong naman na netizen kay Edu kung inobliga siyang gamitin ang mga nasabing title.

“No one compelled me but I was told by the host after I left that they felt slighted,” reply ni Edu.

Nag-viral ang sentimyento na ito ng aktor kung saan kabilang sa nakiayon sa kanya si Jim Paredes.

“Calling a politician by his name is not disrespectful considering many of them have soiled the title,” anang APO Hiking Society singer-songwriter.

“I’m just out to make people realize they are as good as the next person. Titles don’t determine the person you are!” paliwanag naman ni Edu.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?