80

Jun 18, 2019 @ 18:41
By

Edu, Gilas Youth patitibayin ang chemistry

Hindi lang height ang sasandalan ng Gilas Pilipinas U19 sa pagsabak sa FIBA U19 World Cup na gaganapin sa Heraklion, Greece.

Ayon kay team manager Andrew Teh, advantage ang height sa pamamagitan nina 7-foot-2 Kai Sotto, 6-foot-10 AJ Edu at Shaun Geoffrey Chiu, at 6-foot-8 Carl Tamayo sa FIBA games sa Hunyo 29 hanggang Hulyo 7.

Ngunit paliwanag ni Teh, hindi lang height ang sukatan sa basketbol.

“Dito sa Pilipinas, height ‘yung kulang sa atin lagi. But this time, we really have some height. But again, it’s not only height that can win you games. It’s the team play,” pahayag ni Teh sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum nitong Martes sa Amelie Hotel-Manila.

“So it’s not just about the height, although with height you have a good advantage (against the other). We just have to use that as a tool for us to become a better team.”

Ayon pa kay Edu, na guest rin sa sports forum, chemistry rin ang isa pang factor kagaya na lang ng pagsama-sama ng main core ng koponan sa FIBA U18 Asian Championship sa Nonthaburi, Thailand noong nakaraang taon.

“I’m really liking the chemistry. Obviously I thought after a year we’ve improved, all of us,” wika ni Edu sa sports forum na suportado ng San Miguel Corporation, Braska Restaurant, Amelie Hotel at Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).

“I feel like skills-wise, we’ve improved. And I feel like the chemistry is already there from last year, so we can only get better (from last year),” dagdag pa ng Cypriot-born Filipino, na nag-aaral sa University of Toledo para sa U.S. NCAA.

Bilang paghahanda, magkakaroon muna ang Gilas Youth ng dalawang tune-up games laban sa University of the East at Far Eastern University bago tumungo sa Doha, Qatar sa Biyernes para sa kanilang training camp.

Magkakaroon rin ng exhibition matches ang koponan laban sa pro club Al-Riyadi roon.

“Training camp will be about chemistry, camaraderie, and to learn the plays of the coaches,” sambit pa ni Teh.

Samantala, sa Qatar na rin didiretso si Rome-based point guard Dalph Panopio na hindi na nakapag-training sa bansa dahil sa academic schedule.

Bukod kay Edu, Sotto, Panopio, Tamayo at Chiu, bahagi rin ng 14-man squad sina Gerry Abadiano, Bismarck Lina, Rhayyan Amsali, Joshua Ramirez, Migs Oczon, Dave Ildefonso, Terrence Fortea, Xyrus Torres at James Spencer.

Mula Qatar, tutungo sa Hunyo 27 ang national team papuntang Greece kung saan makakaharap ng mga ito ang host country sa Hunyo 29.

Susundan ito ng laban kontra Argentina sa Hunyo 29 at Russia sa Hulyo 2

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?