325

Jun 30, 2019 @ 10:54
By

Edu bumagsak, Gilas Youth lagapak vs Greece

Dalawang minuto pa lang ang nakalilipas sa laro, nagarahe agad si Fil-Nigerian big man AJ Edu dahil sa tama sa tuhod.

Ngunit naging matatag pa rin ang Gilas Youth, ibinaon pa ang Greece sa 10 puntos na disadbantahe, 22-12, sa unang laro ng PH national team sa 2019 Diba U19 World Cup.

Sa second quarter ay nagsimulang lumapit ang host country, nakuha ang kalamangan bago ang buzzer sa bisa ng tres ni Chrysostomos Sandramanis, 42-41.

Nasungkit pa muli ng ‘Pinas ang abante, 48-49, nang magtres si Terrence Fortea ngunit kaagad namang nabawi ng Greece ang kontrol.

Lamang lang ng anim ang Greece sa final canto, ngunit napanatili na ang hawak at lumobo sa double-digit sa huling mga minuto at nakuha ang 85-69 win sa teritoryo.

Nanguna si Kai Sotto, kumolekta ng 13 points, 10 rebounds at 3 blocks. Trese puntos din ang ginawa ni Gerry Abadiano.

Sunod na haharapin ng Gilas Youth ang Argentina, Lunes ng madaling-araw sa Pilipinas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?