496

Jul 11, 2018 @ 21:10

Edu, Alice ipinagpalit ang ‘Ang Probinsyano’ sa ‘Barangay 143’?

Kasama pala sina Edu Manzano at Alice Dixson sa Barangay 143, the first-of-its-kind Filipino themed and All-Filipno made animé TV series na magsisimulang ipalabas sa GMA 7 nga­yong September.

Naku, hindi naman iiwanan nina Edu at Alice ang FPJ’s Ang Probinsyano ng ABS-CBN para magbalik-Kapuso network, huh!

Ang tsika sa akin ng isang namamahala sa animé TV series na ito, almost two years na raw ang proyektong ito at bale dalawa lang sina Edu at Alice sa mga artistang nag-voice sa ilang mga character dito.

So, hindi pa bumabalik sa Dos si Edu, pati si Alice, ay nakapag-voice na sila para sa Barangay 143.

Bale blocktimer din sa Kapuso network ang Barangay 143, kaya hindi naman siguro magkakaroon ng problema sa bagay na ito, ‘noh?!

Next week nga pala ang media launch ng Barangay 143 at imbitado raw ang mga artistang nag-voice sa mga character dito katulad nina Cherie Gil, Megan Young, Julie Anne San Jose at pati nga sina Edu at Alice, kaya ang tanong ko sa nag-imbita sa akin, sure ba siya na makakarating nga ang dalawang Kapamilya star?

“Most likely,” ‘yan lang ang nasabi ng namamahala sa media launch ng Barangay 143.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?