50

Dec 7, 2021 @ 10:50
By

EDSA traffic pinaluwag ng number coding – MMDA

Ipinagmamalaki ng isang opisyal ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ngayong Martes na gumanda ang daloy ng trapiko sa EDSA matapos ibalik ang modified number coding scheme.

Matatandaang ibinalik ang number coding scheme ng MMDA noong Disyembre 1, kung saan epektibo ang kautusan simula alas-5:00 ng hapon hanggang alas-8:00 ng gabi Lunes hanggang Biyernes at para lamang sa mga pribadong sasakyan.

Ayon kay MMDA Traffic Engineering Center Director Naoemi Tibayan, naobserbahan nila ang pagluwag ng daloy ng trapiko sa EDSA sa oras na epektibo ang number coding.

“Ang initial assessment namin last week, napuna namin by 8 p.m. medyo maluwag na,” saad ni Tibayan sa isang radio interview. “Nag-improve naman at bumilis ‘yung travel speed.”

Isa sa mga dahilan ng pagbabalik ng number coding ay ang pagdagsa ng mga sasakyan sa mga pangunahing kalsada, na dulot na rin ng pagbubukas ng ekonomiya matapos ang pandemya. (mjd)

““`ZW3212WQJulia Barretto naghubad sa Mexico?

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?