155

Oct 21, 2019 @ 21:12
By

EDSA-Taft Station ng LRT mas pinaganda

Pinalawak at in-upgrade ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) ang EDSA-Taft station ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1).

Sa statement sinabi ng LRMC na ito ay para masolusyunan ang pagsisikip at limitasyon sa espasyo.

Nagbukas ng third floor access mula sa adjacent mall ang Taft station at bagong connecting bridgeway.

Nagtayo rin ng mga bagong ticket booth maging ng mga comfort room.

Naglagay din sa istasyon ng mga LED light at PWD ramp.

“We want all our commuters to have the best travel experience as they discover the joys and hidden secrets of Manila, and we are continually committed to providing comfort and convenience on the LRT-1,” saad ni LRMC President at Chief Executive Officer Juan Alfonso.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?