55

Sep 17, 2019 @ 15:10
By

EDSA ban sa mga private vehicle, unconstitutional – solon

Maaari umanong makuwestiyon sa korte dahil sa pagiging unconstitutional ang suhestiyon ni Caloocan City Rep. Edgar Erice na i-ban ang mga pribadong sasakyan sa EDSA kapag rush hour sa umaga at gabi.

Pinalutang ni Erice ang idea na gawing “exclusive” sa mga public utility vehicle mula 6:00 am hanggang 9:00 am at mula alas-sais hanggang alas-nuwebe ng gabi ang EDSA na pansamantala lang aniya habang naghahanap pa ng solusyon sa lumalalang problema ng trapik sa Metro Manila.

Pero ayon kay APEC Partylist Rep. Sergio Dagooc, maliban sa legalidad ng panukala ni Erice, “unfair” at “bias” umano ito sa mga may-ari ng pribadong sasakyan.

“It might be feasible but quite legally questionable,” ani Dagooc.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?