36

Jan 14, 2022 @ 19:40
By

Editor in chief ng Journal pumanaw

Pumanaw na ang editor in chief ng Journal Group na si Augusto ‘Gus’ Villanueva, Biyernes ng umaga sa edad na 83.

Sinimulan ni Villanueva ang kanyang career sa pagsusulat bilang sports writer ng Manila Times noong 1955. Naging editor ito ng Times Journal noong 1972.

Siya ay naging pangulo ng Philippine Sportswriters Association (PSA) noong dekada 70 kung kailan niya sinimulan ang PSA Forum.

Siya ay ginawaran ng PSA ng Lifetime Achievement Award dahil sa kanyang mga nagawa.

Kabilang si Villanueva sa founder ng People’s Journal at People’s Tonight na itinayo noong 1978 at 1979.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?