560

Dec 13, 2017 @ 13:41
By

Edgar at Joross, mega-ipit ng ‘etits’ para sa ‘Deadma Walking’

Sobrang pahirap ang ginawa nina Edgar Allan Guzman at Joross Gamboa sa kanilang ‘junjun’ habang ginagawa nila ang MMFF 2017 movie entry nilang “Deadma Walking” directed by Julius Alfonso under T Rex Entertainment Inc. at Octo Arts Films.

Ang ‘junjun’ ay isang gay term para sa ari ng lalake. Sa halip na diretsuhing sabihing “titi”, ang usong tawag ngayon sa private part na ito ng lalake ay ‘junjun’.

Anyways, kung nakakapagsalita lang ang mga ‘junjun’ nina Edgar at Joross matagal nang nagreklamo ang mga ito sa ginawa sa kanila ng kanilang amo.

Inipit nang bonggang-bongga nina Edgar at Joross ang kanilang ‘junjun’ o ari sa mga girl costume nila sa nabanggit na movie nila.

Gumaganap na bading na mag-best friend ang dalawa sa “Deadma Walking”, maraming mga eksena silang naka-damit pambabae para i-justify ang kanilang pagiging crosser sa ilang mga eksena.

Kuwento ni Edgar, hirap na hirap daw siya sa pag-ipit ng kanyang ‘etits’ para hindi ito bumukol sa mga lady dress na suot nila.

Ilang oras ding inipit nina Edgar at Joross ang kanilang mga ari para lang sa ginagawa nilang eksena.

Mahirap din daw para sa kanila ang itago ang kanilang mga ‘balls’ at masakit daw kapag naiipit ito.

Mas lalo raw nahirapan si Edgar sa tuwing makakaramdan ng init sa katawan at nagre-react ang kanyang ‘junjun’.

Hindi raw minsan maiiwasan na ‘tayuan’ daw si Edgar ng kanyang alaga. Kapag ganito na ang sitwasyon ay mas lalong nasasakal o naiipit ang kanyang ‘junjun’.

Buti na lang daw at nagbunga ang sakripisyo nila sa movie dahil maganda ang kinalabasan ng trailer ng kanilang trabaho.

Sa kuwento ng kanilang movie, magkakasakit ng cancer ang isa sa kanila at nanaising marinig ang sinasabi sa kanya ng mga tao kaya naman nagplano siya ng eulogy at pinalabas na patay na siya at nasa kabaong.

Punung-puno ng katatawanan ang movie na ito at kabibiliban ang dalawa sa husay nilang magbading. (Rey Pumaloy)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?