157

Dec 22, 2017 @ 16:52
By

Edgar Allan ‘ilalampaso’ si Derek Ramsay

Malakas ang laban ni Derek Ramsay sa best actor category sa Gabi ng Parangal ng 43rd Metro Manila Film Festival na magaganap sa Kia Theatre sa December 27 dahil sa mahusay na pagganap niya sa All of You ng Quantum Films pero pagkatapos mapanood si Edgar Allan Guzman sa Deadma Walking ng T-Rex Entertainment at OctoArts Films, naniniwala kami na mas malaki ang tiyansa ni Edgar Allan na makuha ang best actor trophy.

Effortless ang acting ni Edgar Allan sa kanyang maraming beses na pinalakpakan na gay character sa Deadma Walking.

Walang eksena si Edgar Allan na hindi natawa ang mga dumalo sa red carpet premiere ng Deadma Walking sa Cinema 6 ng TriNoma Cinema.

Noong nakaraang taon, si Christian Bables ang pinag-usapan at biglang nagkaroon ng career dahil sa gay character niya na bestfriend ni Paolo Ballesteros.

Sa Deadma Walking, si Edgar Allan ang flamboyant bestfriend ni Joross Gamboa at waging-wagi sa audience ang acting na ipinakita niya.

Kung napanood agad nina Jun Lana at Perci Intalan ang performance ni Edgar Allan sa Deadma Walking, puwedeng siya ang ipinalit bilang bida ng Born Beautiful, ang project na tinanggihan ni Christian na inaakusahan na nalunod sa isang basong tubig.

Si Martin del Rosario ang napili nina Jun at Perci na replacement kay Christian na hindi na pinag-uusapan isang taon matapos mapanood sa mga sinehan ang Die Beautiful. (Jojo Gabinete)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?