162

By

Edgar Allan Guzman, balik-Broadway Centrum

Sharing is caring!

Balik-“Eat Bulaga” studio sa Broadway Centrum ang 2006 grand winner ng “Mr. Pogi” na si Edgar Allan Guzman.

Magpa-participate ang multi-awarded actor sa segment na “Broadway Singer Citizen” kung saan makakasama niya ang kanyang pamilya at ilang malalapit na kaibigan.

Makatutunggali ng tinaguriang Prince of Indie Films (dating hawak ni Coco Martin) ang “Protégé: The Battle for the Big Break” male winner at dating aktor ng top-rating primetime show na “Kambal, Karibal” na si Jeric Gonzales.

Sa Instagram, EA (his monicker) posted a photo of himself at nilagyan niya ito ng caption na, “BACK TO MY ROOTS. Broadway Singer Citizen with my family and closest friends BUKAS sa programang aking pinagmulan- EAT BULAGA! #Dabarkads.”

EA gained popularity pagkatapos niyang masungkit ang titulo ng “Mr. Pogi” search ng longest-running noontime show ng TAPE, Inc. in 2006.

Naging tahanan ni EA ang GMA Network until 2008 at pagkatapos, lumipat na siya ng TV5. Nu’ng 2015, Edgar Allan decided to transfer to ABS-CBN nang magsara ang entertainment department ng TV5.

Taong 2017 naman nang kunin siyang muli ng Kapuso Network for “My Korean Jagiya” with Heart Evangelista and Korean actor Alexander Lee. Nasa cast na ngayon ng “The Stepdaughters” nina Megan Young, Katrina Halili at Mikael Daez si Edgar at ginagampanan niya ang role na Froilan Almeda.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?