1,510
Eddie Garcia pumanaw na

Eddie Garcia pumanaw na

Ilang araw matapos magkaroon ng cervical fracture, pumanaw na ang beteranong aktor na si Eddie Garcia.

Edad 90-anyos si Garcia, na nakilala sa bansag na ‘Manoy’.

Bandang alas-4:55 ng hapon nitong Huwebes binawian ng buhay si Manoy na ilang araw nasa kritikal na kondisyon matapos mapatid sa set ng upcoming teleserye ng GMA.

Inilagay sa ventilator si Manoy matapos ang insidente, sinabi ng ilang malalapit dito na brain dead ang kondisyon ng aktor.

Halos pitong dekada nagsilbi sa entertainment industry si Garcia, nakagawa ng ilandaang movie at TV projects.

Ilang awards na rin ang nakuha ni Manoy, isa na rito ang Urian Best Actor award mula sa Manunuri ng Pelikulang Pilipino para sa pelikulang “Death Row” noong 2000.

Nitong nakaraang Gawad Urian lang ay nanalo muli ng Best Actor si Eddie para sa pelikulang ‘ML’.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?