1,802
Eddie Garcia, na-cremate na
By

Eddie Garcia, na-cremate na

Binigyang-katuparan ng pamilya ang hiling ni Eddie Garcia na ma-cremate siya.

Sa kuwento ng stepson ng beteranong aktos na si 1-Pacman Rep. Michael “Mikee” Romero sa Facebook post, sinabi nitong 3:20 am nang ibigay sa kanila ang abo ni Garcia.

Ibinahagi ni Romero ang litrato ng isang olive green urn na naglalaman ng abo ng aktor.

“At 3:20am, Tito Eddies ashes was given to us. (Me, his surviving son Erwin, our mother Lilibeth, Brother Nikki and Pareng Ipe),” sabi ni Romero.

Bandang 1 am aniya, sa harap ng nasa 40 immediate family at friends ng Garcia, Lagman at Romero ang pumalibot sa mortal body ni Manoy, saka nagsimula ang cremation process.

“As he entered the cremation room, we all gave Tito Ed a standing ovation he deserved and started shouting “BRAVO” for the last time. We love you!!!” dagdag pa ni Romero.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?