197

By

Eddie Garcia comatose pa rin, nakasandig sa life support

Makalipas ang lampas apat na araw ay nananatili pa ring nasa comatose state ang beteranong aktor na si Eddie Garcia matapos maaksidente sa set ng teleserye ng GMA.

Sa artikulo ni Ricky Lo sa The Philippine Star, sinabi na hanggang ngayon ay wala pa ring respond na natatanggap mula sa 90-anyos na aktor, tumitibok pa ang puso ngunit umano’y ‘brain dead’ ang dinaranas.

Nasa intensive care unit ng Makati Medical Center si Garcia, na ibinunyag ng partner nitong si Lillibeth Romero na dineklarang dead on arrival si Manoy sa unang ospital at na-revive bago dalhin sa Makati Med.

Hindi pa umano nakakausap ni Romero ang GMA network tungkol sa aksidente ngunit saad nito’y pwede sanang naiwasan ang pagkakapatid ni Garcia sa kable dahil third take na ito ng parehong eksena.

Sana rin daw ay may medic at standby na ambulansya sa set para sa maagarang lunas kay Garcia, napag-alaman na isinakay ito sa isang taxi para dalhin sa ospital.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?