33
Eddie Garcia Bill sinulong sa Senado
Sep 22, 2019 @ 14:52
By

Eddie Garcia Bill sinulong sa Senado

Inihain sa Senado ng isang dating aktor ang Senate Bill 294 o ang “An Act Providing for Occupational Safety and Health Standards (OSHS) for the Workers and Talents in the Movie and Television Industry,” na mas kilala sa tawag na “Eddie Garcia Bill.”

Ang panukala na inihain ni Senador Ramon Bong Revilla Jr. ay naglalayong naglalayong mabigyang-proteksiyon ang movie at television workers sa bansa.

Sabi ng senador, ang panukala ay magpupuno sa RA No. 11058 o ang “An Act Strengthening Compliance with OSHS and Providing Penalties for Violations Thereof” sa ilalim ng Labor Code of the Philippines, at ma-institutionalize ang Labor Advisory No. 4 s. 2016 na sasakop sa working condition ng movie at television industry na inilabas ng DOLE.

Inihain ni Revilla ang panukala bilang pagkilala sa showbiz legend na si Garcia na nasawi noong nakaraang Hunyo 20, 2019 matapos mawalan ng malay sa loob ng 12 araw dahil sa neck injury matapos maaksidente sa isang taping ng teleserye.

Sa ilalim ng panukala, magkakaroon ng tiyak na kondisyon ng trabaho, katulad ng bilang ng oras ng trabaho, waiting time, transportation, accommodation, social welfare benefits tulad ng PAGIBIG, Philhealth, SSS, at iba pa.

Kailangan ding tiyakin at linawin ang duties at responsibilities ng isang producer, tulad ng kasiguraduhang ang mga workers at talents ay may kaukulang health insurance at compensation para sa work-related injuries, pagkakasakit o kamatayan.

Ayon pa sa panukala, maglalagay din ng Production Safety Officer para matiyak na ipatutupad ang OSHS sa bawat pelikula o show na isasagawa.

Magkakaroon din ng oryentasyon at pagsasanay ng mga manggagawa sa OSH.

Kapag napasa din ang panukala, ipatutupad ang ligtas na pagtatrabaho, iwawasto ang hindi ligtas na mga kondisyon sa paggawa, at titiyaking maimbestigahan ang pinangyarihan ng aksidente, kung magkakaroon man.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?