24

Dec 1, 2020 @ 18:47
By

Edad sa statutory rape na 16-anyos lusot sa Kamara

Inaprubahan ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill 7836 na nagtataas ng edad ng statutory rape sa 16-anyos mula sa kasalukuyang 12-anyos.

Sa botong 207-3, lusot na ang panukalang batas na naglalayong mapalakas ang proteksyon laban sa rape, sexual exploitation at sexual abuse sa mga kabataan at pagdaragdag ng edad ng pagtukoy ng komisyon ng statutory rape.

Nilalayon ng panukalang batas na magpataw ng reclusion perpetua o 40 taong pagkakakulong para sa krimen ng statutory rape laban sa mga menor de edad na wala pang 16 taong gulang.

Sa kasalukuyang mga batas sa Pilipinas, ang pakikipagtalik sa mga batang 12-anyos pababa ang labag sa batas at katumbas ay panggagahasa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?