658

Oct 16, 2020 @ 12:52
By

Edad 15-65 pwede na lumabas – Roque

inayagan na ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) na lumabas ng kani-kanilang mga tahanan ang mga mamamayan sa bansa na 15 hanggang 65 taong gulang.

Ayon ito kay Presidential Spokesperson Harry Roque ngayong Biyernes, Oktubre 16, sa ulat ng ABS-CBN News.

“Local government units (LGUs) may impose a higher age limit for minors, depending on the COVID-19 situation in their respective jurisdictions,” aniya pa.

Hindi naman tinukoy kung kailan epektibo ang bagong patakaran.

Matatandaang 7-buwan pinagbawal ng IATF ang paglabas ng bahay ng mga edad 20 pababa at 61 pataas maliban na lang kung ito ay para sa trabaho at pag-access sa mga essential goods at services.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?