18

Oct 25, 2021 @ 11:04
By

Ed Sheeran sapul ng COVID

Nagpositibo sa COVID-19 ang internationally-renowned singer na si Ed Sheeran.

Mismong ang singer ang nagkumpirma ng balita sa kanyang Instagram post ngayong Lunes (oras sa Pilipinas).

“Hey guys, quick note to tell you that I’ve sadly tested positive for Covid, so I’m now self-isolating and following government guidelines,” saad niya sa post.

“It means that I’m now unable to plough ahead with any in-person commitments for, so I’ll be doing as many of my planned interviews/performances I can from my house,” dugtong pa ng 30-anyos na singer.

Huling nagperform si Sheeran nitong nakaraang linggo sa Earthshot Prize awards sa London, UK.

Bukod dito, sa Biyernes din ang labas ng kanyang bagong album na pinamagatang ‘=’ .

“Apologies to anyone I’ve let down, be safe everyone x,” saad pa ng singer. (mjd)

https://www.instagram.com/p/CVar2LAIeVf/?utm_source=ig_embed&ig_rid=fc67da1e-9bcb-457f-b320-6a31b1acf62a

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?