44

By

Ed Sheeran, kinasuhan sa pagkopya ng ‘Thinking Out Loud’

Sharing is caring!

Ipinagharap ng kaso dahil umano sa pangongopya ng kanta ni American singer-songwriter Marvin Gaye si Ed Sheeran.

Batay sa reklamo ng Structured Asset Sales na siyang may hawak sa copyright ng kantang “Let’s Get It On” ni Gaye, kinopya umano ni Sheeran ang ilang dynamics sa naturang kanta para sa kanyang hit song na “Thinking Out Loud”.

Sinisingil din ng kumpanya ng $100-M si Sheeran bilang danyos.

Sumikat ang “Thinking Out Loud” noong 2014 at nag-No. 1 pa sa UK chart at No. 2 sa US Billboard.

Noong 2014 kinasuhan din si Sheeran ng dalawang songwriters ng copyright infringement dahil sa paggamit umano nito ng kaparehong mga nota sa kantang “Photograph” mula sa kanilang kanta na “Amazing” na isinulat noong 2009 pero bandang huli ay nagkasundo na lang at nagkabayaran. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?