31
ABANTE ed sheeran engaged girlfriend
Jan 21, 2018 @ 11:32

Ed Sheeran, engaged na sa longtime girlfriend

Engaged na ang English singer na si Ed Sheeran sa matagal na niyang kasintahan na si Cherry Seaborn.

Inihayag ng 26 anyos na singer ang magandang balita kahapon sa kanyang Instagram account.

Ipinost ni Sheeran ang sweet photo nilang magkasintahan na may caption na “Got myself a fiancé just before new year, We are very happy and in love, and our cats are chuffed as well xx.”

Naunang sinabi ni Sheeran na 11-taong gulang pa lang siya nang makilala niya si Cherry. Subalit nagsimula lamang silang mag-date noong 2015 nang imbitahan ng singer na si Taylor Swift si Seaborn sa kanyang Fourth of July party.

Inihayag ni Sheeran ang engagement matapos pumatok sa billboard ang kanyang album na “÷” (“Divide”) noong nakaraang taon.

Nauna nan sinabi ni Sheeran na handa na siya sa pagpapamilya at excited na siyang maging daddy sa kanilang magiging mga anak.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?