5
ed

Ed Sheeran, 1-taon nang iwas-yosi

Sharing is caring!

Natutuwa si Ed Sheeran dahil isang taon na siyang hindi naninigarilyo.

Ilang beses na kasing sinubukan ng 27-anyos na Briton na tumigil sa paninigarilyo at sa pag-inom ng alak noong 2011, at noong November 2015 pero nabigo siya.

Aniya, nahirapan siya dahil naging routine na kasi umano niya ito, sabi nito sa Ellen DeGeneres Show.

“Do a soundcheck, have a cigarette, do a gig, have a cigarette, have food, have a cigarette,” sabi nito.

Kaya na-realized niya nang umabot siya ng 10 taon sa paninigarilyo na seryosohin na ang pagtigil dito.

Sa kanyang Instagram ipinoste ni Sheeran ang tagumpay na ito.

“Celebrating one year being a non smoker today,” sabi ni Sheeran sa caption ng black-and-white photo ng kanyang sarili sa stage.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?