124

Apr 14, 2020 @ 15:28
By

ECQ sa Las Piñas tinodo ang paghihigpit

Simula kahapon (Abril14) ay nagpatupad ng mas mahigpit na implementasyon ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa mga palengke ang lungsod ng Las Pinas.

Ito ang inihayag ni Mayor Imelda “Mel” Aguilar matapos tumaas ang bilang ng mga residenteng hindi sumusunod sa mga patakaran at gabay sa ECQ partikular sa Lozada Market na nasa Moonwalk, Alabang-Zapote Road na dinadagsa ng mga pasaway na mga mamimili.

Iginiit ng alkalde na dapat sundin ng publiko ang social distancing at pagsusuot ng face mask gayundin ang pagkuha sa kanilang temperatura gamit ang infrared thermometer scanner bago sila pumasok sa palengke.

Sinabi pa ni Mayor Aguilar na pinaigting ng Las Pinas City Police ang police visibility at istriktong pagsusuri sa quarantine pass dahil huhulihin aniya ang mga hindi sumunod.

Para maiwasan ang siksikan o pagkakadikit-dikit ng mga tao sa palengke,naglagay ang lokal na pamahalaan ng mga markers at linya na tatayuan ng mga bibili sa bawat tindahan sa nasabing palengke upang mapigilan ang pagkalat ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Bukod rito,isinira ang harapan ng naturang palengke at ipinatupad ang one entrance at one exit point para makontrol ang bilang ng pagpasok at lalabas rito.

Samantala ang kaparehong panuntunan sa istriktong ECQ sa iba pang palengke ng lungsod kabilang ang Zapote Market,talipapa sa Barangay Talon 3 at CAA Market.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?