51

Aug 4, 2021 @ 22:29
By

ECQ sa Calabarzon hahatulan sa Aug. 5

Sa Agosto 5 magdedesisyon ang Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) kung isasailalim ang buong Calabarzon sa enhanced community quarantine (ECQ) o ilang lalawigan lang sa rehiyon.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, inaabangan pa nila ang bagong datos mula sa COVID-19 monitoring tool na FASSSTER para masuri kung irerekomenda sa IATF ang hard lockdown sa Calabarzon o Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon.

“We will find out tomorrow based on the latest data on the COVID situation and the FASSSTER projections,” lahad ng kalihim sa pagdinig ng Committee on Health ng Kamara nitong Miyerkoles.

Matatandaang simula Agosto 6 ay isasailalim ang Metro Manila sa ECQ upang mapigilan ang pagkalat ng Delta variant.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?