24

Aug 4, 2021 @ 12:24

ECQ ngayong Agosto sana huli na – Palasyo

Hiling ng Malacañang na sana huling enhanced community quarantine (ECQ) na ng bansa ang ikakasa mula Agosto 6 hanggang 20 sa National Capital Region (NCR).

“Ang gusto lang po natin, we hope that this will be our last ever lockdown. Bakit po? Kasi tumataas na iyong numero ng ating pagbabakuna,” ani presidential spokesperson Harry Roque.

Kaugnay nito, sinabi rin ng tagapasalita na ang mahigit dalawang linggong pagpapatupad ng mahigpit na lockdwon ay makakatulong sa ospital na hindi mapuno ng mga COVID at Delta variant patient.

“Iyong inaasahan nating pagsipa ay hindi pa po mangyayari, until August 15. Pero ako po, as movant na bigyan ng one week palugit ang publiko at ang gobyerno para paghandaan ang ayuda at iba pang mga bagay ay ayaw ko namang i-push na August 15 ang lockdown dahil baka mamaya too late na nga po iyon dahil nakikita nating tumataas na ano,” ani Roque sa isang pahayag.

“Pero sa ngayon po, itong linggong palugit ay wala pong danger na mauubusan tayo ng hospital facilities dahil tumataas pero pinaghandaan naman po natin iyan noong mga nakalipas na araw,” pagpapatuloy pa niya.

Sinabi naman ng Department of Health sa hiwalay na pahayag na patuloy pa ring aarangkada ang COVID vaccination sa Metro Manila kahit ECQ.

Anang mga alkalde sa NCR, target nilang makapagbakuna ng 4 milyong residente habang quarantine period.

BASAHIN: COVID vaccination sa NCR tuloy kahit ECQ – DOH

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?