15

Aug 14, 2021 @ 15:18
By

ECQ hanggang Agosto 30 fake news – MMDA

Itinanggi ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na totoo ang kumakalat na balitang hanggang Agosto 30 ang umiiral na enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila.

Ayon sa MMDA, nakasaad sa naturang fake news na si Mayor Edwin Olivarez ang nagsabing nagkasundo ang mga alkalde ng Metro Manila na paabutin hanggang Agosto 30 ang ECQ.

“MMDA Chairman Benhur Abalos said he talked with Olivarez and the mayor refuted the article, adding that no meeting among Metro mayors occurred,” pahayag ng MMDA.

“Any recommendation that will be made by the MMC shall be based on data, LGU (local government unit) capabilities, and experts’ (health and economic) studies,” dagdag pa ng MMDA.

Dahil wala pang pormal na desisyon, ang ECQ sa Metro Manila ay hanggang Agosto 20.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?