28

Feb 7, 2020 @ 14:39

EcoWaste nagbabala vs murang artipisyal na kuko sa Divisoria

Nagbabala sa publiko ang EcoWaste Coalition laban sa pagbili ng murang artificial fingernail sets sa mga mall sa Divisoria sa Maynila.

Ayon sa grupo, bumili sila ng artificial fingernail sets sa halagang P25 bawat isa kung saan nadiskubreng ang adhesive nito ay may substance na mapanganib sa kalusugan.

Ito ay ang Dudustrong, Elegant Touch, Losnaglar, Opoola, Skeyelinl at Xucai.

Ang adhesive na kasama sa mga naturang produkto ay may halo umanong dibutyl phthalate (DBP), na kabilang sa mga ipinagbabawal na substance sa mga cosmetic product sa ilalim ng ASEAN Cosmetics Directive.

Maaari umanong makapagdulot ng allergic reactions ang DBP, na makakaapekto rin sa immune system, ayon sa Food and Drug Administration.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?