31

Dec 13, 2017 @ 17:13
By

Economic zone uusbong sa Marawi City – DOF chief

May malaking plano ang gobyerno sa binabalak na pagpapatayo ng community-based economic zone sa Marawi City.

Sinabi ni Finance Sec. Carlos Dominguez III na ang economic zone ay posibleng maging sentro ng marketing, technical training at food processing hubs para sa mga micro, small and medium enterprises (MSMEs).

Aniya, malaking tulong ito para sa pagbangon ng lungsod mula sa limang buwan na digmaan.

Dagdag pa ng kalihim ang kinakailangang pagsasanay ng mga residente ay maaring patnubayan ng Department of Trade and Industry at TESDA.

“We’re not talking of an ecozone that is tax-free. It’s not like that. It’s just providing the structure so that they can actually practice their trade in a modern and organized way,” ani Dominguez.

Ang mga sasailalim sa training ay tuturuan din ng online marketing. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?