41

By

Economic Team ni Duterte isama sa federalism talks – Recto

Sharing is caring!

Pinasasali ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto ang mga economic manager ng Duterte administration sa mga debate at pag-aaral ukol sa pederalismo.

Mahalaga umano ang papel ng mga ekonomista dahil sila ang makakatantya ng epekto sa ekonomiya kapag binago ang sistema ng gobyerno.

“The country’s economic managers are integral and indispensable to the national conversation on federalism,“ pahayag ni Recto.

Sila rin umano ang makakapagsabi kung kakayanin ng gobyerno ang gastos dito.

“You don’t shut them out of the discussions; you bring them in–because the cost of federalism is front and center of the issue,” dagdag nito.

“Every proposal has a cost. Scratch the surface of every provision of a bill, and there is a price tag underneath. We are often told the benefits of a project but not the price,” sabi pa ni Recto.

Tugon ito sa panawagan ng ilang kasapi ng Consultative Committee, ang bumalangkas ng federal constitution, na magbitiw na ang mga economic manager ng Malacanang dahil sa hindi pagsuporta sa pederalismo.

Tinutukoy sina Finance Secretary Carlos Dominguez, Budget Secretary Benjamin Diokno at SocioEconomic Planning Secretary Ernesto Pernia na pawang nagpahayag ng duda na matutustusan ng gobyerno ang pederalismo batay sa federal constitution ng ConCom.

Sa isang pagdinig ng Senado, sinabi ni Dominguez na mauuwi sa fiscal nightmare ang gobyerno kapag sinunod ang federal constitution.

“Kaya pag sinabi ng Finance Secretary na teka tingnan natin kung magkano gastos, pakinggan natin sya. Maaring mali sya, pero it is to our benefit that we must listen to him,” sabi ni Recto.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?