38

Oct 11, 2021 @ 18:53
By

Economic recovery tagilid sa mahal na kuryente, petrolyo

Nagbabala si House Committee on Ways and Means chairperson at Albay Rep. Joey Salceda na maapektuhan ang economic recovery ng bansa dahil sa nagbabadyang energy crunch o pagtaas ng presyo ng kuryente at petrolyo.

Ginawa ni Salceda ang babala matapos na maitala ang pinakamataas na presyo ng produktong petrolyo sa kasaysayan.

“The world is facing what could be a year of price hikes on coal, oil, natural gas, and other non-renewable energy sources. We are facing a confluence of factors. Oil is back where it was pre-pandemic. Natural gas is at all-time-highs,” sabi ni Salceda.

Ang energy crunch ay maaari umanong mangyari sa kalagitnaan ng 2022 na lubhang makakaapekto sa bansa gaya ng Pilipinas na umaasa sa imported na produktong petrolyo.

“That could dampen economic recovery, so energy has to figure in the country’s economic recovery plans,” dagdag pa ni Salceda.

Aniya ang European natural gas benchmark TTF Netherlands ay nakapagtala ng all-time high na $116 samantalang ang Japan-Korea Marker (JKM) benchmark ay umakyat sa 35.06.

Asahan na umano ang patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo dahil sa paparating na winter sa ibang bansa, pagbagal ng gas production ng Russia at Amerika at pagtanggi ng OPEC na itaas ang produksyon nito.

Nanawagan din si Salceda sa gobyerno na pabilisin ang proseso ng pagtatayo ng mga renewable energy power plants.

“RE is just 24% of our energy sources, when we are both a net importer of fossil fuels, and an excellent location for all sorts of RE. One problem appears to me to be the approval process,” sabi ni Salceda.

Dapat umanong repasuhin ang Renewable Energy Law upang mapabilis ang pagproseso rito.

Binigyan-diin ni Salceda ang kahalagahan na isama ang Energy department sa pagpaplano kung papaano mapapa-angat ang ekonomiya ng bansa.

“I’ve seen the national employment recovery strategy (NERS) and it says nothing about new power plants, which we sorely need, and which will definitely create new jobs. It’s not even in the National Employment Recovery task force. The thing is, as soon as you approve the creation of pending power plant applications, you will almost certainly create new jobs,” sabi pa ng solon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?