19

Mar 26, 2021 @ 16:42
By

Economic Cha-cha dedo na

Wala nang nakikitang pag-asa si Anakalusugan Rep. Michael Defensor na maaaprubahan pa ng Kongreso ang panukalang pag-amyenda sa 1987 Constitution, matapos mag-adjourn ang sesyon nang hindi ito naipapasa.

“The House leadership’s Cha-cha initiative is now virtually dead and is headed for the graveyard,” ani Defensor.

Naniniwala si Defensor na natatakot si Speaker Lord Allan Jay Velasco na makondena ng publiko kung itutuloy ang Chacha habang marami ang nahihirapan sa dahil sa COVID-19 pandemic.

Ayon kay Defensor kapag nagbalik ang sesyon sa Mayo 17 ay mayroon na lamang siyam na araw ng sesyon bago ang sine die adjournment. Magbabalik ang sesyon sa Hunyo 26, ang araw ng huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“I don’t think the leadership will try to have the resolution passed during the nine-day sessions. Even if the House would approve it, the Senate would no longer have time for it,” dagdag pa ni Defensor.

Kakailanganin namang asikasuhin ng Kongreso ang pagpasa ng budget para sa 2022 at sa Oktobre ay maghahain na ng certificate of candidacy ang mga tatakbo sa eleksyon.

Mas makabubuti umano kung unahin na lamang ng Kamara na maipasa ang mga panukalang batas na agad na mararamdaman ng tao ang resulta.

Nais ng kampo ni Velasco na isama ang tanong kaugnay sa Chacha sa May 2022 elections. Kung papaboran ng mga botante, ang susunod na Kongreso pa ang gagawa ng pagbabago sa Konstitusyon.

Sinabi naman ni House Committee on Constitutional Amendments chairperson Alfredo Garbin na tuloy ang pagsulong ng Charter change at hindi umano ito magpapa-apekto sa mga kritiko.

“We cannot afford to squander this precious little time in the midst of crisis and great need. Lifting the restrictive economic provisions in the Constitution is imperative. The House and the Senate, two bodies of Congress, need to act in concert to make this happen. The swell in the Lower House needs embrace from the Upper,” ani Garbin.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?