54

By

Eboña ‘di tanggap ang pagtalsik niya

‘Di masikmura ni graduating FEU Tamaraw Barkley Eboña ang pagka-eject sa kanya sa 82nd UAAP seniors basketball tourney 2019 stepladder one semifinals match sa Big Dome kontra Sto. Tomas Growling Tigers.

Nakatanggap siya ng dalawang unsportsmanlike foul sa first half palang ng laban na pinangibabawan ng USTe, 81-71.

“Para sa akin, flop lang ‘yun,” saad ni Eboña na na-thrownout sa laban 1:19 na lang sa second quarter.

“Naka-hands up lang ako tapos pagharap ni (Soulemane) Chabi Yo, saktong pagbaba ng kamay ko. Tapos biglang, biglang humiga siya tapos tayo agad. Ang nipis naman noon para sa thrown out agad, di ba?”

Kalokohan rin ang paglalarawan ni Eboña sa kanyang maagang pag-exit sa crucial na laban.

“‘Yung thrown out agad, kalokohan ‘yun,” giit ni Eboña. Matatanggap ko po kung tatawagan nila ako like parang foul lang, aminin ko kung foul lang pero yung thrown out agad, kalokohan,” giit niya.

At dahil ito ang kanyang huling laro na bilang Tamaraw, masakit para kay Eboña ang nangyari kung saan tanging ine point at seven rebounds lang ang kanyang nai-ambag.

“Masakit lang kasi sa last game ko, ‘di man lang ako naka-exit nang maayos, di ba?” panapos niya.

“’Di ko man lang nakanta ‘yung hymn ng FEU sa last game ko.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?