Hindi na makakabalik si super rookie Lycha Ebon para sa Far Eastern University (FEU) Lady Tamaraws ngayonh UAAP Season 81.
Ito ay inihayag ng volleybelle sa kanyang Twitter account matapos bumagsak dahil sa knee injury.
Aniya kakailanganin ng mahabang gamutan para tuluyang gumaling ang kanyang tuhod.
Thank you so much sa mga sumuporta sakin this season at sa mga nag pray sa recovery ko, you guys the best! ? I will not play again and finish this season po, Yes sayang pero di ko po isusugal to because I still have a lot of years pa nman po to prove myself again.
— C H A L Y (@lycha_ebon) April 27, 2019
Matatandaan na natamo ni Ebon ang kanyang injury sa fifth set ng laban nila kontra Adamson Lady Falcons noong Marso 24 matapos ang awkward landing ng manlalaro.
Bago magarahe, isa si Ebon sa mga top scorer ng torneo, kumolekta ng 93 attack, siyam na blocks at 13 aces sa kanyang unang season sa UAAP.
“Everything happens for a reason and naniniwala po ako na may mas magandang plan si God sakin,” positibong pananaw ng tubong Davao.
Lalaruin ng FEU ang kanilang huling laro sa elims kontra defending champs La Salle Lady Spikers, sigurado naman na sa Final Four sa 8-5 win-loss record.